8 anyos na batang babae, nagsilbing ina sa apat niyang kapatid

8 anyos na batang babae, nagsilbing ina sa apat niyang kapatid

8 anyos na batang babae, nagsilbing ina sa apat niyang kapatid

Bata pa lang ay naharap na sa malaking gampanin ang 8 taong gulang na batang babae dahil sa kasalukuyan ay siya ang nag aalaga sa mga mas bata pa niyang kapatid at sa kaniyang ina na may sakit.

Ang batang babae ay kinilalang si Jenny Barobo, walang sawa niyang inaalagaan ang kaniyang ina na may sakit at mga kapatid dahil walang ibang gagawa nito dahil ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa laot.

Ayon pa dito ay Siya rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay tulad nalang ng pagwawalis at pagpapaligo sa kaniyang mga kapatid. Masaya naman daw siya sa kaniyang ginagawa kahit na nasa mahirap na sitwasyon dahil para sakaniya ay malaking tulong ito para sa kaniyang mga magulang at masaya siya na natutulungan ang mga ito.

Ang tanging hiling lang niya ay sana gumaling na ang kaniyang ina upang sila naman ang alagaan nito.

Nakakamangha ang kabaitang pinapakita ni Jenny dahil kahit sa musmos na edad pa lang ay alam na niya kung paano tulungan ang kaniyang mga magulang . Nawa ay kapulutan ng aral ng mga bata ang kwento ni Jenny na kahit sa simpleng gawaing bahay lamang ay malaking tulong na ito sa ating mga magulang.

Post a Comment

close