Para sa pamilya: Sibuyas at Bawang ang inuulam ng security guard na ito para lang mas malaki ang maipapadalang pera

Para sa pamilya: Sibuyas at Bawang ang inuulam ng security guard na ito para lang mas malaki ang maipapadalang pera

Para sa pamilya: Sibuyas at Bawang ang inuulam ng security guard na ito para lang mas malaki ang maipapadalang pera

Marami ang kumakayod upang makatawid sa pang-araw-araw na buhay lalo na kung ikaw ay pamilyadong tao na.

Kahit anong klaseng pagkayod sa pagtatrabaho ay kakayanin matustusan lamang ang pangkain ng pamilya. Hindi pa natatapos ang araw ay mapapaisip ka na kung ano ang gagawin mo para may pang-gastos kinabukasan. At kung gipit na gipit ay sobrang magtitipid sa trabaho kahit hindi na kumain may maiuwi lamang sa pamilya.

At mayroong isang security guard sa Malaysia ang nagpamangha at pumukaw sa damdamin ng mga taong nakakita ng kanyang larawan. Siya ay nakuhan ng litrato habang kumakain. Nakatawag-pansin ang laman ng kaniyang baunan na imbis na putaheng ulam, sibuyas at bawang ang kaniyang ipapares sa kaniyang kanin na may sabaw.

Ayon kay Apit Lid na kumuha ng lawaran at nag-post sa social media, kapantay ng iba pang mga manggagawa ang natatanggap na sahod o suweldo at dahil sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya at makapagpadala ng malaking halaga, tinitipid niya ang kaniyang sarili.

Naisaad din na umaabot lamang sa hindi hihigit sa 100 Malaysian ringgit na katumbas ng Php 1,170 ang kaniyang pangsariling gastos sa loob ng isang buwan. 

Sa kabutihang loob ni Apit, tinutulungan niya ito kapag siya ay may extra budget at nabibilhan nya ng pagkain.

"Hopefully everything will be alright for him," saad niya.

Dahil sa post ni Apit, nagviral ang litrato at maraming netizen ang naantig ang puso at mayroon ding mga naka-relate sa kwento ng security guard. 

"Isang tingin ko pa lang nakka-touch na. Security guard din asawa ko. Minsan kanin lang baon niya walang ulam," ikinumento ni Chona Acuin Elorza.

"Sige lang, kuya. Makakaraos ka rin niyan. Ganyan kami dati. Ni ultimo pisong bawang uutangin pa namin. Hindi ka nag-iisa, kuya." dagdag pa ng isang netizen.

At marami rin ang nagbigay ng opinyon na kailangan din ng security guard na palakasin ang resistensya at kalusugan. Kailangan niya ring alagaan ang kaniyang katawan lalo na't siya ang nagtatrabaho at nagtataguyod ng pamilya.

Tunay ngang nakakabilib ang mga taong hindi makasarili at inuuna ang pamilya. Ngunit palagi din nating tandaan na mahalin at pangalagaan din ang sarili at gawing lakas ang pamilya sa pag usad sa bawat kinabukasan na haharapin. 

Post a Comment

close