Lalaking Nagpuslit ng Gatas at Diaper sa isang Grocery, Inulan ng Tulong galing netizens!

Lalaking Nagpuslit ng Gatas at Diaper sa isang Grocery, Inulan ng Tulong galing netizens!

Lalaking Nagpuslit ng Gatas at Diaper sa isang Grocery, Inulan ng Tulong galing netizens!

Kapakanan ng pamilya ang mahalaga lalo na sa panahon ng kakapusan. Sa panahon ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho. Walang kita araw-araw kaya kahit anong pagtitipid, mauubusan pa rin. Mapapakapit talaga sa patalim kahit hindi gustuhin 

Isang ama ang nahuli na nagnakaw sa isang grocery store sa lugar ng Bonifacio Global, Taguig City. Nasabi na ang grocery items na kanyang kinuha ay isang malaking pack ng diaper, apat na pack ng gatas, sampong  sachet ng 3-in1 coffee, isang pack ng hotdog, at isang air freshener. Ang total ng halaga ng kanyang nakuha ay Php 3,500.

Base sa report ng mga pulis, hindi na dumaan ang suspek sa kahera upang magbayad. Basta na lamang itong lumabas sa grocery store pagkatapos niyang kumuha ng kaniyang kailangan. Alerto naman ang guard at agad siyang sinita at hiningian ng resibo ngunit wala siyang mapakita. Agad umaksyon ang guard at tumawag ng police. Nahuli at nakulong sa Taguig Police Station ang suspek at naharap sa kasong theft.

Maraming mga netizens ang naawa sa suspek. Imbes na magalit sila sa ginawang pagnanakaw nito, hindi nila ito nakutya kundi marami pa ang nag-tulong tulong na magpadala ng pambayad sa nakuhang grocery items.

Sa report ng ABS-CBN News, ipinakita ang mga komento ng netizens. Naintindihan nila ang hangarin ng suspek kaya niya nagawa iyon. Makikita rin sa mga komento ng mga nagpapaabot ng tulong pinansyal.

Ito ang ilang pang mga komento ng netizens, tunay na nakakaantig na puso at kahit sino man ay matutuwa dahil   makikitang ganto na talaga tayong mga Pilipino simula noon hanggang ngayon. 

Post a Comment

close