101 Anyos na Lola Fecilidad, Patuloy na Nagtatrabaho sa bukiran at Magisang namumuhay, Alamin

101 Anyos na Lola Fecilidad, Patuloy na Nagtatrabaho sa bukiran at Magisang namumuhay, Alamin

101 Anyos na Lola Fecilidad, Patuloy na Nagtatrabaho sa bukiran at Magisang namumuhay, Alamin

Nito lamang ay naiulat na ang Lola na ito ay naninirahan sa isang lumang bahay sa liblib na lugar sa Ilocos Sur. 

Ang pangalan niya ay Loloa Felicidad Cabuena, mag isa na lang na naninirahan si Lola sa kanyang bahay dahil siya ay tumandang dalaga, ito ay base sa impormasyon ng Trending Bytes. 

Si Lola Felicidad ay 101 years old na pero patuloy parin ito sa kanyang pagttrabaho sa bukuran ayon sa ulat ng I-Witness.

Sabi ni Lola Felicidad,

"Hindi ko gusto yung laging nakaupo, walang trabaho."

Nakwento rin ni Lola Fecilidad na walang sinomang lalaki ang nagkagusto sa kanya noon dahil wala naman daw syang ganoong itsura na hinahanap ng mga lalaki. Kaya siya ay tumandang dalaga at pinili na lamang ni Lola Fecilidad na mabuhay magisa at tumulong sa pamilya niya. 

"Walang nagkagusto sakin kasi ang pangit-pangit ko." Ika ni Lola Fecilidad

Dagdag pa niya?

"Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano."

Sabi naman ni Regin Cabico sya ang nag aalaga kay Lola Fecilidad. Kanya itong inalagaan noong nasa 94 years old na ito. Kamag-anak ni Lola Fecilidad ang naging asawa ni Regina. Sa kanyang sahod sa pangangalaga kay Lola, ang mga pamangkin nito ang nagbibigay sa kanya ng pera. 

Ang bahay naman ni Lola Fecilidad ay punong puno din ng mga litrato ng kanyang mahal sa buhay. Naikwento din ni Lola na isa sya sa mga tumulong para maging tagumpay sa buhay ang ilang miyembro ng kanyang Pamilya. 

Sabi ni Lola Fecilidad,

"Hindi pwedeng hindi ka tumulong, Kapatid ko yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?"

Kahit na magisa na lamang si Lola na namumuhay, sya naman ay nagsisilbing malaking biyaya para sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa kanyang mga sakripisyo na handang ibigay para sa mga ito. 

Post a Comment

close