Pinagtagpo at Tinadhana talaga, Lalaking Namamalimos ng 10 pesos, Nakatagpo ng isang Good Samaritan

Pinagtagpo at Tinadhana talaga, Lalaking Namamalimos ng 10 pesos, Nakatagpo ng isang Good Samaritan

Pinagtagpo at Tinadhana talaga, Lalaking Namamalimos ng 10 pesos, Nakatagpo ng isang Good Samaritan

Ngayong panahon ng kahirapan sa buhay tanging pagdarasal at pagkapit na lamang sa Diyos ang nagbibigay ng pagasa at kalakasan ng ating mga kababayan. Pag-asang darating din ang panahon na tayo ay makakaraos din sa kahirapan.

Marami sa ating mga kababayan ang napipilitan ng mamalimos dahil sa sobrang kahirapan sa buhay at para lamang may maipakain sa kanya kanyang pamilya.

Narito ang isang kwento mula sa ating kababayan, tunay ngang nakakaantig ng puso ang kanyang ibinahaging kwento sa facebook, isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang naganap sa kanya at sa lalaking ito na nanghingi ng tulong.

Ibinahagi ni Jaive Joseph Roble ang mga larawang naging bahagi ng kanyang karanasan, kasama na rin ang buong kwento na sadyang pumukaw ng atensyon at paghanga ng maraming Netizens na nakabasa nito na naging dahilan upang ito ay mag viral sa facebook.

Ayon kay Jaive Roble, pinagtagpo sila ng panginoon noong araw na iyon upang magkakilala at maging magkapatid sa maikling sandali.

Halina't basahin nating ang kanyang napakagandang istorya at naway maging inspirasyon ito ng marami.

Narito ang buong kwento ni Jaive Roble:

"Kapit sa Dios"

Naglalakad pauwi, naka earphone, pagkatawid ko sa isang intersection may kumalabit sakin, sabi "Kuya baka may 10 pesos ka, dagdag lang sana para sa pambili ng gatas ng anak ko,"

Pinipigilan ko ang luha ko while looking to him and listened more. "Hindi po ako masamang tao sir, Di ko po kayang gumawa ng masama lalong ayaw kong makulong kawawa pamilya ko," Halatang kinakabahan.

"Kanina pa po ako paikot-ikot sa construction sites para makapasok kaso wala pa hong swerte, magiging totoo nalang po ako sa inyo sir, di alam ng asawa ko ngayong araw namamalimos lang ako ngayon makapagdala lang gatas at pagkain ng baby namin, kaya naman naming magtiis dalawa sa asin at suka, Kawawa lang talaga mga bata."

Tinanong ko siya anong gatas ng baby niya sabi,"Yung baby sir, Nestogen, yung 160 pesos lang po pwede ng pang dalawang araw. Yung 3 yrs old ko naman po Bear Brand nakabili na po akong diapers sir heto kinapos lang po talaga" Sabay pakita ng 150 pesos sa kamay. 

Hindi ako sure at that point kung bigyan ko lang ba sya ng pera at umalis na o ako na mismo bumili ng gatas since malapit na kami sa may Market Market so I told him, "Tara Kuya pasok tayong Market."

"Nako Sirm baka di hu ako papasukin." Sabi ko "Wag ka magalala pinagtagpo tayo ng Dios ngayong araw, magkapatid tayo, ako bahala sayo! Di gaanong marami pera ko pero lika"

Sa Grocery hinanap namin yung kadalasan binibili niya, nagdesisyon akong kunin ang malaking pakete para allowance niya makadiskarte pa ng matagal tagal at sinamahan ko nadin ng manok, atay at giniling.

Walang tigil pasasalamat niya sakin, "Darating din ang panahon Sir, magkikita tayo ulit, ako naman manglilibre sa inyo!"

Hanggang sa dulo, sinabihan ko sya "Patas lang tayo sa buhay kuya kami man sa estadong tom marami ding mga utang na hinaharap. "Mabait talaga ang Dios Sir, pinakilala po kayo sakin, anghel ko po kayo ngayon."

Salamat sa inspirasyon ngayong araw. Swerte pamilya mo sayo. Hanap ka agad trabaho at wag na wag panghinaan ng loob. Until we meet again Jerick Reyes!

Minsan nakakapanghina ng loob ang problema. Today, I realized I'm still blessed to have this life, do not have much right now but will get there. Kapit lang sa Dios..."

Post a Comment

close