Netizens, nagdadalamhati sa nangyari sa isang flight attendant na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel

Netizens, nagdadalamhati sa nangyari sa isang flight attendant na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel

Netizens, nagdadalamhati sa nangyari sa isang flight attendant na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel

Nabigla ang mga Netizens sa balita tungkol sa isang flight attendant na nakitang wala ng buhay sa loob ng isang hotel sa Makati City. 

Nakilala ang biktima na si Christine Angelica Dacera, 23 years old at isang flight attendant ng isang malaking airline company.

Ayon sa pahayag ng pulis ay nakita ng isa sa kaibigan ni Christine Dacera na si Rommel Galida na wala isang malay sa isang bathtub,

Nakalagay naman sa imbistigasyon na kasama ni Dacera na nagcheck in sa hotel ang kanyang kaibigan na si Galida, Gregorio De Guzman at John Dela Serna.

12:30 sila ng madaling araw nag check in noong January 1.

Alas 10 na ng umaga ng kanilang malaman na ang kaibigan nila ay wala ng malay sa bathtub.

Humingi naman sila agad ng tulong sa mga staff ng hotel para maisugod si Christine Dacera sa Ospital.

Sinubukan naman itong I-CPR ng manager ng hotel pero bigo silang sagipin ang biktimang si Christine.

Sa mismong araw na iyon ay pinaalam ng nasabing ospital sa mga Pulisya ang nangyaring iyon kay Christine Dacera.

Ayon naman sa mga Police na silang tumingin sa CCTV footage ng hotel ay may mga dumating pa palang sampung katao at sumali sa "party" kaya nagpadagdag pa ang mga ito ng isa pang hotel.

"Bandang alas 6 ng umaga ay nakita sa CCTV ng hotel na binubuhat sila ng mga lalaki papasok sa room 2209," Ika ni Makati City Police Chief P/Col. Harold Depositar.

Napakarami ang nakiramay sa pamilya ni Christine Dacera na tubong General Santos

May iilan ding Netizens ang inalala ang pangarap ni Christine Dacera na maging inspirasyon sa mga gustong maging flight attendant.

"Thank you for everything our dear FA Christine Dacera! Your legacy will remain alive and strong in the hearts of our future flight attendants. Thank you for sharing us your pictures with messages of hope and inspiration," Ika ng facebook page na Flyhigh.

"You shall forever be alive in the hearts of every flight attendant, in ours and in the lives of our future flight attendants who were inspired by your sharing," Dagdag pa ng flyhigh sa post.

Post a Comment

close