Mayor Isko Moreno, nangako na iimbestigahan ang customer na tinakbuhan ang order na 1,000 parol sa isang tindero

Mayor Isko Moreno, nangako na iimbestigahan ang customer na tinakbuhan ang order na 1,000 parol sa isang tindero

Mayor Isko Moreno, nangako na iimbestigahan ang customer na tinakbuhan ang order na 1,000 parol sa isang tindero

Sinabi ni Yorme Isko Moreno na hindi nito palalampasin ang ginawang panloloko ng isang lalaki na umorder ng parol at hindi binayaran kay Maximino " Lakay " Simon na manggagawa ng parol.

Sa isang pahayag ni Yorme sinabi niya na hindi siya papayag na hindi malaman ang totoong dahilan kung bakit hindi kinuha ang mga parol na naging dahilan ng pagiyak ni Simon "Lakay" sa social media.

Nabalitaan na rin na nasa baranggay na ang kaso ni Simon " Lakay " at ng naturang customer.

Maalalang ang nasabing lalaking negosyante ay nagpagawa ng 1,000 parol kay Simon na nagkakahalaga ng maraming libong piso na dahilan ng pagabono ni "Lakay" sa paggawa ng parol ngunit matapos itong gawin ay hindi na ito kinuha at umatras na ang negosyante sa kanilang transaction

Matapos ang hindi inaasahang pangyayari ay nawalan na ng gana at pagasa sa buhay si Simon "Lakay". 

Pero matapos mag viral sa facebook ay nakarating ang kanyang kaso kay Manila Mayor Isko Moreno at hindi na nagdalawang isip ay pinakyaw nitong lahat ang mga parol na ginawa ni "Lakay" 

"Maraming maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pangutang dahil wala naman akong pangpangutang ngayon," Ika ni "Lakay" habang naiiyak.

Maliban naman kay Manila Mayor Isko Moreno ay sinubukan rin ng aktres na si Heart Evangelista na magbigay ng tulong kay Simon "Lakay"

May ilan namang mga netizens ang nagsabi na tamang tama ang istorya ni Simon "Lakay" ngayong magpapasko para makapagturo ito na wag mawawalan ng pagasa sa buhay.

2 Responses to "Mayor Isko Moreno, nangako na iimbestigahan ang customer na tinakbuhan ang order na 1,000 parol sa isang tindero"

  1. yorme tulungan niyo po anak ko si Megan Rein nasa hospital po may sakit po na sepsis 5days na po nasa hospital kailangan ko po sana pambayad sa hospital 26.000 na po ang bill nmin yorme tulungan niyo po ako para makalabas na po anak ko

    ReplyDelete
  2. yorme tulungan niyo po anak ko si Megan Rein nasa hospital po may sakit po na sepsis 5days na po nasa hospital kailangan ko po sana pambayad sa hospital 26.000 na po ang bill nmin yorme tulungan niyo po ako para makalabas na po anak ko

    ReplyDelete

close