Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Nakuha ang 10th Place Sa Nursing Board Exam

Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Nakuha ang 10th Place Sa Nursing Board Exam

Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Nakuha ang 10th Place Sa Nursing Board Exam
\

Napakasaya sa pakiramdam na makita ng mga magulang ang kanilang mga anak na makapagtapos ng kolehiyo pero alam natin na mas sasaya ang mga ito kapag sila ay makakapasa din sa board exam at ideklarang professional.

Sa tingin nyo anong mararamdaman ninyo kung hindi lamang nakapasa ang inyong mga anak sa board exam kundi nakapasok din ang mga ito sa top10?

Ganito ang nangyari sa anak ng Empanada Vendor at isang welder na nito lamang ay nakapagtapos at nakapasa sa Nursing Board Exam at bukod doon ay nakapasok pa ito sa 10TH placer sa ranking. Siya si Shannara Mica Guta Tamayao, ang nakapasa sa board exam at nag 10 place sa ranking, nursing graduate na mula pa sa Laoag City, Ilocos Norte.

Maraming mga Filipino ang nagkaroon ng inspirasyon sa batang ito dahil sa pinatunayan niyang hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng iyong mga pangarap sa buhay.

Deserve ni Shannara na makuha ang 10th placer sa ranking ng board exam dahil mula pa pala noong elementary ito ay honor student na siya. Sa kanyang pagsisikap at sa suporta ng kanyang mga magulang ay natapos niya ang isang nursing degree sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte.

Lahat ng kanyang paghihirap ay nagbunga na ng kanyang matapos at maipasa ang National Board Examp at makuha ang pagiging top notcher na ang score ay 84.60%

Bilang panganay si Shannara ay inaasahan siya ng kanyang mga magulang para matulungan sila nito at maiahon sa kahirapan para nadin mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga magulang at kapatid. Gusto niyang ipasa ang (NCLEX) o National Council Licensure Examination pagtapos ay kumuha nadin ng master's degree bago siya kumuha ng kanyang trabaho.

Pumukaw at tumatak sa puso ng mga netizens ang kanyang istorya na naging kanilang inspirasyon at naging pampatibay ng loob sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan na nangangarap ng magandang buhay. 

Sa pagkakaroon ng suporta , pagmamahal at commitment sa mga taong nakapaligid sa iyo kasabay ng pananalig sa Diyos. ay Siguradong makakamit mo ang iyong pangarap at maging matagumpay sa buhay.

Post a Comment



close