Galit na galit ang lalaking ikakasal matapos tanggihan ng singer na ito ang request niyang 20 songs at gusto pa ay LIBRE

Galit na galit ang lalaking ikakasal matapos tanggihan ng singer na ito ang request niyang 20 songs at gusto pa ay LIBRE

Galit na galit ang lalaking ikakasal matapos tanggihan ng singer na ito ang request niyang 20 songs at gusto pa ay LIBRE

Kasalukuyang nagviviral ngayon ang facebook post ni Patricia Ivy Paneno na naging singer sa I Can See Your Voice sa TV show ng ABS-CBN dahil sa pagbabahagi nito ng karanasan niya sa isang hindi kilalang facebook user na nakapanood sa kanya sa TV at alukin na kumanta siya para sa kasal ng lalaki.

Makikita ang mga screenshot sa Facebook post ni Patricia na inalok siyang kumanta ng lalaki para sa kasal nito, nagrequest ang lalaki na ito ng 20 songs para sa araw ng kasal, kahit nabigla si Patricia sa dami ng kakantahin ay pumayag pa rin siya. 

Ngunit hindi niya inaasahan na hihirit pa pala ang lalaking ito at lumalabas pa syang masama at galit na galit ito sa kanya.

Ito ang buong facebook post ni Patricia Ivy: 

"Matagal ko nang gustong ipost to pero wala akong lakas ng loob. 

Since may mga nagpost naman ng ganto so nagkaron na ako ng lakas ng loob. 

Gusto ko din ishare to. Pero tinakpan ko nalang name at picture ni kuya, di naman ako ganon kasama para ipahiyâ siya sa facebook.

Siguro nga uso ngayon yung pakapalan ng ...

Sa totoo lang ang daming beses ko na naencounter yung may mga magPPM sakin na hindi ko kilala pero nirerefer ng mga kakilala ko. Tapos kukunin sa ganito ganyan pero ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao.

Knowing na hindi kami mag-kakilala.

Okay lang magdemand tayo pero wag sobra.

Sa totoo lang, nakakatawa yung mga ganitong tao. Penge po ng kapâl ng mukâ.

I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT.(Motto yan ng mga singers haha) Iyo na po ang followers mo, ano gagawin ko dyan? Magkakapera bako dyan? Don't get me wrong people, hindi sa mukang pera gaya ng sabi nung nagchat hahaha practically ang pagkanta sa panahon ngayon pinagkakakitaan na, May mga bagay na dapat nating paglaanan ng pera, mga utang na dapat bayaran at pagkain na dapat paglaanan, That's why.

Sobrang hassle kaya ng hinihiling ni Kuya mo. 20 SONGS PARA LANG PASIKATIN AKO AT BIGYAN NG FOLLOWERS TAPOS PAKAKAININ PA DAW AKO SA RECEPTION JUSKO Muka po ba akong matâkaw?

Medyo lang naman hahaha kidding aside pero di naman po makapâl ang muka ko.

Sana matuto tayong mag value ng bahay na ipinagkaloob ng Diyos, Matuto tayong mag value ng artist . Hindi biro ang maging isang singer.

PS: Tinakpan ko yung name and picture for his own rísk Di naman ako ganon kasama para mamahíya ng tao.

PPS: Pinost ko po para lang aware tayo sa ganitong tao

PPPS: Wala na finish na

Si Patricia Ivy ay naging isang Secret Songer sa I Can See Your Voice TV show ng ABS-CBN. Kasalukuyang viral ang kanyang post na umabot na sa 3000 SHARES at libo libong komento ng mga netizens.

1 Response to "Galit na galit ang lalaking ikakasal matapos tanggihan ng singer na ito ang request niyang 20 songs at gusto pa ay LIBRE "

  1. si mr.libre pla yan eh.. hoi mr. libre mag labas k nmn ng kayamanan mo kung ako yung mapapangasawa mo iiwan kita agad di ako magpapasakal sau bka yunng doc. ng baby nyo mag palibre kpa ng panganganak. ako kumakanta rin gusto mo libre kita sa burol ang booking ko. pa book kna libre 30 songs entrace at exit..

    ReplyDelete

close