Dakilang ama, karga ang anak habang nagtatrabaho para lang may mapangbili ng gatas

Dakilang ama, karga ang anak habang nagtatrabaho para lang may mapangbili ng gatas

Dakilang ama, karga ang anak habang nagtatrabaho para lang may mapangbili ng gatas

Bihira lamang tayong mga Pinoy na makakita ng isang ama na naiiwan para makapag alaga ng mga anak dahil ang ganitong trabaho ay kadalasan para sa mga butihing ina.

Ganun pa man, Bilib na bilib ang mga Netizens sa kasalukuyang nagviviral sa Facebook ang isang ama na ito na karga-karga sa kanyang likuran ang kanyang anak habang siya ay patuloy sa pagttrabaho. 

Umani ng papuri mula sa ilang netizen ang pagpupursigi ni Vinz Manalo para lang maitaguyod ang kanyang pamilya kahit na mahirap ang kanyang sitwasyon. 

Narito ang larawan na ibinahagi sa Facebook, makikita dito na abala si Vinz sa pagttrabaho sa kusina at nakalagay sa kanyang harapan ang malaking kaldero at may suot pa siyang apron.

Kahit naman abala si Vinz sa kanyang gawain sa kusina ay nagagawa parin niyang alagaan ang kanyang anak na sanggol na kanyang pasan-pasan sa kanyang likuran.

Nakabibilib ang pinakitang kasipagan niya at isa itong magandang modelo para sa lahat ng ama.

Ayon naman sa nilagay na caption ni Vinz sinabi niya na kailangan din munang magtiis ng kanyang anak dahil kailangan nya munang magtrabaho para may pambili siya ng gatas nito.

Narito ang kanyang mga sinabi:

"Kapit lang anak ko... kailangan lang talaga magtrabaho ng papa mo para may pambili ng gatas mo😅" 

Si Vinz naman ay napagalaman na isa palang misyonaryo at marangal na nagttrabaho sa isang Adventist Hospital sa Palawan, Puerto Prinsesa.

Halos 10k shares ang inabot ng kanyang post at mahigit 6k komento at reacts na patuloy padin nataas sa mga oras na ito.

Hindi naman naiwasang tanungin ng ilan nating mga netizens kung nasaan nga ba ang ina ng batang kanyang pinapasan sa kanyang likuran na dapat sanang nagaalaga sa kanyang anak habang si Vinz ay nagttrabaho.

Sinagot naman ni Vinz ang ilang mga tanong ng Netizens at sinabi niya na nagkataon lamang na may Checkup ang kanyang pangalawang anak kasama ang kanyang asawa kaya naman walang maiiwang magbabantay sa isa niyang anak.

Marami pa din ang pumuri sa ginawang ito ni Vinz at marami din ang nagsabi na dapat siyang tularan ng ibang mga ama na handang gawin ang lahat sa mga ganitong sitwasyon.

May ilan rin Netizens na nagaalala para sa Bata dahil maari itong mainitan o masugatan sa kusina habang nagttrabaho ang kanyang ama.

Narito ang ilang komento at reaksyon ng mga Netizens: 

Post a Comment

close