Trainer ni Manny Pacquiao, hinangaan dahil hindi iniwan lahat ng kanyang kababayan sa gitna ng Bagyong Rolly

Trainer ni Manny Pacquiao, hinangaan dahil hindi iniwan lahat ng kanyang kababayan sa gitna ng Bagyong Rolly

Trainer ni Manny Pacquiao, hinangaan dahil hindi iniwan lahat ng kanyang kababayan sa gitna ng Bagyong Rolly

Viral ngayong araw si Buboy Fernandez na dati palang Trainer ni Pacquiao, Maraming humanga dito sa kanyang dedikasyon sa pagtulong sa lahat ng kanyang mga kababayan sa Polangui, Albay. 

Kumalat ang litrato ngayon sa internet at makikita dito si Buboy Fernandez na ngayon pala ay vice mayor ng Polangui at tumulong ito sa lahat ng kanyang nasasakupan sa lugar ng Polangui sa kanilang rescue operation.

Habang hawak niya ang kanyang gamit ay mismong si Buboy ang nagputol ng mga puno na natumba dahil sa Bagyong Rolly.

Isa ang kanilang lugar sa pinaka apektado ng Bagyong Rolly sa Pilipinas. 

Pero kahit na napaka mapanganib ng ganitong gawain ay ginusto parin ni Buboy na magstay sa kanilang nasasakupan sa Polangui upang samahan at tulungan ang kanyang mga kababayan.

"Buboy is a heavyweight champion to the municipality of Polangui, what a blessing to the town," - Barfi Flaw.

"They just follow in the footsteps of their leader, you are a PAC-MAC example," Ika naman ni Emilio Vidal.

"Mainam talaga nagiging Pulitiko galing sa mahirap, alam na alam ang galawan pag may sakuna.. Salute sayo vice mayor buboy for sure your people to your city will be very proud to you." Sabi naman ng isa na si Lime Sotnas.

Nakilala naman si Buboy bilang part ng long-time training ni Pacman simula pa noong baguhan pa lamang ito sa pagboboksing.

Naikwento na rin ni pacman na parehas sila nitong lumaki sa General Santos City.

Lubos lubos naman ang pasasalamat ni Buboy kay pacman dahil isinama siya nito sa kanyang mga tagumpay.

Sabi pa niya ay hindi niya alam ang magiging buhay niya kung hindi niya nakilala ang kanyang bestfriend na si Pacman. Salute!

Post a Comment

close