May isang domestic worker sa Singapore ang sinentensyahan ng 6 na buwan matapos na malaman na siya ay kumuha ng mamahaling bag ng kanyang amo at para lamang ito ay gamitin sa kanyang day off sa trabaho.
Ang pangalan niya ay Onita, sya ay 28 years old ng sya ay makasuhan ng pagnanakâw sa kanyang amo at may karagdagang dalawang kaso pa ang hinahanda para isampa sa kanya.
Si Onita ay nagttrabaho sa kanyang amo na may edad ng 40 years old, hindi na sinabi ang mismong lokasyon ng tahanan para sa security ng mga sangkot na tao.
Nitong february lang, habang nililinis ni Onito ang kwarto ng kanyang amo, nakita niya na mayroon isang magandang pink chanel bag na nagkakahalaga lang naman ng $6,000 o humigit kumulang P300,000 dito sa atin sa Pilipinas, nakalagay lang ito sa isang istante sa kwarto ng amo niya kasama na dito ang iba't iba pang mga mamahaling alahas.
Pagkakita niya nito ay agad niyang kinuha ang black na chanel din at at kanya itong ipinalit sa kulay pink na chanel mula sa kwarto ng kanyang amo.
Nitong August 16 naman ay napagalaman ng kanyang amo na nawawala ang bagong chanel pink bag nto, nagpasya siya na tignan ang dust cover ng kanyang walkin close dahil ito doon lamang niya nilagay. kahit anong hanap ng amo ay hindi niya ito makita kita.
Saad ng prosecutor,
"In her desperation, the victim said that she would report the matter to the police,"
Nataranta naman at natakot si Onita kaya agad niyang kinuha ang bag at ibinalik niya ito sa kwarto ng kanyang amo.
Ilang araw naman ang makalipas (august 24), habang nagfafacebook ang kanyang amo ay may nakita isyang pink na bag at nakasukbit ito sa balikat ni Onita at ang picture na kanyang nakita ay naipost mula pa noong Feb, 18
Nalaman naman agad ng amo ni Onita na ang bag na nakasukbit sa balikat ni Onita ay kanya dahil sa parehong parehong disenyo ng nawala niya noong bag, agad naman siyang tumawag ng pilis para ipaaresto ang kasambahay.
Bukod pala dito ay nanguha pa ng $800 at $1k si Onita sa loui vuitton wallet ng kanyang amo ng hindi nito nalalaman.
Sinabi naman ng prosecutor na siya ay makukulong ng 6 na buwan hanggang 8 buwan kahit pa sinabi ni Onita na ibinalik niya naman ang bag matapos nitong gamitin ng ilang araw.
Sabi ng Prosecutor:
"We do not condone her actions, but this still must be distinguished from the other offenders who do not return the items."
Nagsabi naman ang judge ng kanilang kaso na kahit ang sinasabi niya ay totoo nagawa parin niyang paglagay ng pink na chanel bag sa cover ng walk in close na kwarto ng kanyang amo ay malaki pading katanungan at maaring nahinto kung hindi napagtanto ng kanyang amo na ang bag niya ay nawawala.
Sabi ng judge:
"The offenders of theft had taken place the minute she removed the pink bag and black bag."
Humingi naman ng paumanhin si Onita sa korte at sa kanyang amo sa pamamagitan ng interpreter at nagmakaawa dahil sa mali nitong ginawa.
napagdesisyunan naman ng judge ng kanilang kaso ang agarang pagkakakulong kay Onita.
Maari ding makulong si Onita ng 7 taon at magbayad pa ng malaking multa dahil sa kanyang nagawa.
Post a Comment