Anak ng Mangingisda na nagviral noon, ito na ang update sa kanyang buhay ngayon

Anak ng Mangingisda na nagviral noon, ito na ang update sa kanyang buhay ngayon

Anak ng Mangingisda na nagviral noon, ito na ang update sa kanyang buhay ngayon

May ilang taon narin ang lumipas ng magviral ang kubong ito kung saan nakakabit ang tarpaulin na may nakalagay na" Top 2". Nakakainspire naman talaga makakita kung paano nilagpasan ng isang anak ng mangingisda ang lahat ng problema at hirap na kanyang dinanas tunay ngang hindi hadlang ang pagiging mahirap sa pagkamit ng pangarap. Siya ay naging Top 2 sa LET o Licensure Exam for Teachers noon.

Bagamat may katagalan na ang lumipas, nasaan o ano na nga kaya ang buhay niya ngayon?

Kailan lamang ay ibinahagi ni Iah Seraspi ang pagbabago mula noong magbiral ang kanya storya, sa kanyang social media account bilang celebration ng kanyang 25th birthday.

Ikinwento niya na pagkatapos niyang makapasa ng LET ay naging inspirasyon na siya ng maraming tao, natanggap siya sa trabaho na mula sa review center at talaga namang nakatulong ito sa kanya.

Ika pa ni Seraspi na ang kanyang pinapangarap lamang na bahay noon ay nasa harap na niya ngayon.

Narito ang ilan sa mga pahayag na iniwan ni Seraspi"

"It all started with a dream, as of the moment, I still can't believe na nasa harapan ko na ngayon yung matinong bahay na pinagarap namin ng ilang taon. This was the exact location of our old house which went viral and changed our lives 180 degrees,"

Narito pa ang kanyang mga idinagdag:

"This blessing in front of me reminds me of God's promise when I was still dreaming: No eye has seen, no ear has heard, no mind has conveived what God has prepared for those who love Him."

Sinabi din ni Seraspi na pinili niya na magtrabaho sa CBRC o Car Balita Review Center, ito ang trabaho niya na nagbigay sa kanya ng maayos na sahod, oportunidad na kahit kailan ay hindi  niya malilimutan.

Dagdag pa niya na ni minsan ay hindi siya nagsisi sa kanyang piniling trabaho kahit ano man ang kanyang hirap na pinagdaanan sa larangan na ito.

Sinabi naman ni Seraspi na pagnakikita niya ang bahay ngayon, ay naaalala niya ang mga paghihirap na kanyang pinagdaan, stress, pagod at kalungkutan na kinailangan niyang harapin. 

Sa dulo naman ng kanyang post ay makikita na nagpasalamat siya kay Carl Balita na siyang tumulong sa kanya at naniwala na ng mga maari niya pang gawin. 

My endless gratitude to Sir Carl Balita seeing and believing in my potential. Salamat po sa words of wisdom niyo Sir and for motivationg me always that I can be one with my dreams. Sa buong CBRC family, I'm sharing this joy with you. Kayo po ang naging sandalan ko, sa lahat ng eagles na nagtiwala at nagtitiwala sa CBRC part po kayo ng meron kami ngayon. 

The dreamer is now one with her dreams. On to the next goal!! To God be all the glory.

To God be all the glory.

For my 25th year of existence , this is the best gift I could ever receive.

Post a Comment

close