Block agad matapos makuha ng Pinay ang pinadalang pera ng Pakistani

Block agad matapos makuha ng Pinay ang pinadalang pera ng Pakistani

Block agad matapos makuha ng Pinay ang pinadalang pera ng Pakistani
 

Ang pagibig nga naman walang pinipili kahit ano man ang iyong lahi at kahit ano pa man ang iyong kinagisnang bansa. Ang pinakaimportante lang naman ay kung totoo ang nararamdaman nyo para sa isa't isa. Masasabi na natin na ang bituin ay nakalaan para sa dalawang tao kahit gaano pa sila kalayo ay magkikita at magkikita sila.


Pagmamahalan kahit malayo ang agwat sa isa't isa.

Sa panahon ngayon hindi na ito gaanong problema dahil sa teknolohiya , maari ng makipagusap sa ibang lahi ng walang problema dahil yan sa social media na tumutulong para sa ating komunikasyon ngunit mayroon din itong hindi magandang dulot tulad na lamang kapag may nakatagpo ng mabait at aabusuhin ito sa paraan ng paghingi ng pera.

Normal na na makakita tayo ng Pinay na may partner na foreigner. Maaring ang ibang tao ay iba ang tingin sa ganitong set up na sinasabing para ito sa ikakaginhawa ng buhay gayun paman hindi ito para sa lahat ng Pinay na may foreign partners.

Hindi magandang karanasan

May Isang Pakistani na nagpost tungkol sa kanyang hindi magandang karanasan sa kanyang Pinay na nobya at ang pangalan nito ay J Ann na kanyang pinagkatiwalaan. Makikita sa kanilang paguusap sa ibaba kung paano maalaga ang babae, palagi itong nagsesend ng sweet messages sa Pakistani. Hanggang sa humingi na ng tulong ang Pinay sa Pakistani at sinabing kailangan ng tulong ng kanyang ama para sa ospital. At kailangan na kailangan na ito.


Naloko siya

Dali dali namang nagpadala ang Pakistani ng pera sa pinakamalapit na remittance center sa kanila. Ang babae naman sa kabilang banda ay hiningi na ang code para makuha na niya ang perang pinadala ng pakistani


Nang makuha na ng Pinay ang pera ay nagpasalamat naman ito sa Pakistani at sinabi na excited na ito kanilang kasal.


Makalipas lamang ang ilang sandali ay hindi na macontact o hindi na makapagsend ng message ang Pakistani sa Pinay girlfriend dahil nablock na siya agad nito ng walang dahilan.


Hindi na sinabi ng Pakistani ang ilan pang mga detalye tulad kung paano sila nagsimula at gaano na sila katagal nagsasama online.

Source : buzzooks.com

Post a Comment

close