Pilit na Pinababa ang Matanda ng mga Kapwa niya Pasahero Dahil Daw sa Amoy niya

Pilit na Pinababa ang Matanda ng mga Kapwa niya Pasahero Dahil Daw sa Amoy niya

Pilit na Pinababa ang Matanda ng mga Kapwa niya Pasahero Dahil Daw sa Amoy niya

Trending ngayon sa social media ang binahagi ng netizen na si Peng Contreras Carpo sa kanyang facebook user account nito lamang dahil sa kanyang post na isang matandang lalaki na kanyang nakasabay sa jeep.

Ang sabi ni Peng Carpo na marami ang mga pasahero na nagrereklamo dahil sa amoy ng matanda na kilala sa pangalan na Tatay Bert.


At dahil marami talaga ang nagrereklamo ay napilitin si kuya tsuper na ihinto ang kanyang jeep at pababain ang nasabing matanda.

Dahil tao tayo ay natural na maawa tayo at iyon naman ang tunay na naramdaman ni Peng Carpo ng mga sandaling iyon, agad siyang umaksyon at dali daling pinigilan ang driver at sinabi niya na siya na ang magbabayad ng pamasahe ni Tatay Bert.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad na humingi ng pasensya si Tatay bert, na siya daw ay nakatira sa Guimaras at napipilitan siyang mamalimos sa iloilo kaya naman hindi siya nakakaligo dahil hindi pa siya nakakauwi sa kanilang lugar.

Pinakita niya din ang laman ng kanyang dala dala na bag at puno ito ng damit at mga pagkain na kanya sanang iuuwi sa kanyang naiwang pamilya. Dagdag pa dito ay kailangan din niyang bilihan ng gamot ang asawa niya sapagkat ito ay may sakit.


Gustuhin man daw niyang magtrabaho na lamang ay wala ng tumatanggap sa kanya dahil sa mayroon na din siyang edad.

Nahiya naman ang lahat ng pasahero dahil sa kanilang ginawa at ng malaman nila ang kwento pala ng buhay ni Tatay Bert ay ganoon kabigat at Hiyang hiya din dahil sa ginawa nilang hindi maganda dahil lang sa hindi nitong kaaya-ayang amoy.

Si Peng Carpo naman sinabi niya na nadurog ang kanyang puso at maluha luha habang pinapakinggan ang kwento ni Tatay Bert.

Ito naman ang buong kwento ni Peng Contreras Carpo tungkol kay Tatay Bert sa kanyang Facebook Account: 

Sumakay ako ng jeep na byaheng CPU nagtaka ako kung bakit halos lahat ng tao ay nakatakip sa kani kanilang mga ilong  at habang bumabiyahe ay unti unti ay nakakaamoy na din ako ng di kaaya-ayang amoy at dun ko naman napagtanto na si Tatay Bert pala, sa kanya nanggagaling ang amoy.

Nang makarating na kami sa sa Casa Plaza, biglang tumigil ang jeep at bumaba ang driver at pilit naman niyang pinapababa si Tatay Bert dahil daw sa amoy nito at marami ang nagrereklamong pasahero sa jeep, simula kasi pagkasakay ko ay halos lahat ng pasahero, karamihan babae ay nilalait si tatay ng pabulong


Halos maiyak na si Tatay Bert habang pinipilit siyang pababain ng driver ng jeep, doon na ako umalma at sinabi ko agad na ako nalang magbabayad ng pamasahe ni tatay para tumigil na ang driver sa pagpapababa sa kanya.

Tinanong ko si tatay kung saan ba siya pupunta? Sabi naman niya sakin ay "Pasensya na kayo mga anak kung hindi maganda ang amoy ko, halos magiisang linggo na kasi akong hindi naliligo, namamalimos kasi ako dito sa iloilo para mabilhan ko ng pagkain ang aking mga apo at anak, at mabilihan ko rin ng gamot ang aking asawa na may sakit" Hirap na pagsasalita ni Tatay Bert


Sabay pakita niya sakin ang laman ng bag na dala dala niya, puno naman ito ng pagkain at karamihan dito ay tinapay, pandesal, ensaymada at konting mga damit, yung iba naman daw ay binili ni tatay sa kanyang naging pera sa pamamalimos at yung iba naman ay pagkain na masasarap ay binigay daw sa kanya ng mga taong naawa sa kanyang kalagayan, tiniis daw talaga niyang hindi kainin ang mga ito para ibigay sa mga apong naghihintay sa kanyang paguwi.

Nang marinig ng mga pasahero ang dahilan ni Tatay Bert kung bakit hindi maganda ang amoy niya ay nanlumo ang lahat dahil na din sa hiya at panghuhusga nila kay tatay, ako naman habang nakikinig sa kwento ni Tatay Bert hindi ko mapigilan ng puso ko ang pagkadurog at grabe naman ang pag pigil ko sa luha ko ng mga oras na iyon.


Tinanong ko ulit si tatay kung anong pangalan niya sinabi niya naman na siya si Tatay Bert taga Guimaras at pumunta sa iloilo upang mamalimos kasi gustuhin man niyang humanap ng trabaho ay walang tumatanggap sa kanya dahil daw siya ay may edad na, kaya nagpasya siya na mamalimos nalang para may pang tustos sa kanyang pamilya at sa asawa niyang may sakit.

habang nagkkwentuhan kami ay hindi ko pinaglagpas ang pagkakataon na ipagdasal si Tatay Bert at kanyang pamilya. Kahit lumagpas na ako sa bababaan ko.

Ano po ang gusto kong sabihin mga kapatid? Wag po sana tayong maging mapanghusga sa kung ano ang nakikita ng ating mga mata dahil hindi natin alam ang kwento at bakit nila sinapit ang ganitong sitwasyon

sabi nga sa bible, 1 Samuel 16:7 'the lord does not look at the things man looks at, Man looks at the outward appearance, but lord looks at the heart'

Sana po ay maging eye opener po ito satin para hindi tayo pangunahan ng panghuhusga at ipagdasal nalang natin ang mga kagaya ni Tatay Bert. Godbless

Source: PENG CONTRERAS FACEBOOK

Ito naman ang ilan sa mga comment ng ating mga mababait na netizens

Post a Comment

close