Resort sa bulacan dinagsa ng turista at walang social distancing na pinatupad

Resort sa bulacan dinagsa ng turista at walang social distancing na pinatupad

Resort sa bulacan dinagsa ng turista at walang social distancing na pinatupad


Tila hindi na naaalala ng mga turista na ito na tayo ngayon sa kasalukuyan ay may dinaranas na pandmya at tayo ay sumasailalim sa quarantine at new normal dahil sa sakit na kumakalat ngayon.

Nagpost si Dilen Desu na makikita dito ang napakaraming turista sa Caribbean Waves Resort at tila enjoy na enjoy pa ang mga ito sa pag ligo sa swimming pool.

Makikita din sa litratong ito na hindi nagsisisunod ang mga turista na ito sa patakarang Social Distancing at ni isa wala din naka face mask.

Sabi ng isang netizen ay marami pa ang hindi padin nakakapasok sa resort at hinihintay lang na may lumabas. 


Nagjoke pa si Dilen Desu na nasa normal na ang kalagayan ng bansang Pilipinas pagkatapos niyang makita ang dami ng tao sa resort na ito.

Sabi pa niya na imbis na maligo din siya sa swimming pool ay manood nalang sya sa mga ito.


Nagkaroon ang post ng 1,000 shares at tumataas pa ang ito sa social media, marami ang hindi nakapagpigil at nagalala dahil sa sobrang dami ng tao at wala pang social distancing na naganap sa lugar.

May ilan pang panayam noon sa Health Secretary Francisco Duque at sabi nito na ligtas daw maligo sa swimming pool dahil ito ay may chlorine.

"Makikita naman na kulay asulm mayaman ito sa chlorine; kung kulay berde, malabo wag po kayong magswimming." Ika ni Duque.

Hindi pa nag lalabas ng pahayag ang LGU ng Remedio Trinidad, IATF ng nasabing resort sa lugar.

Isa ang Doña Remedios Trinidad sa pinaka dinagsa ng turista nitong nakaraan.

Post a Comment

close